Aksidenteng naghulog ng mga bomba ang isang Russian warplane sa isang syudad doon, na tinatayang may 400,000 na populasyon.
Bilang resulta, nag-iwan ang pumutok na bomba ng hanggang 40 meters na laki ng crater at nagdulot ng pagkasira ng ilang mga building at sasakyan malapit sa lugar kung saan ito bumagsak.
Batay sa report, ang nasabing warplane ay isang SU-34 Aircraft ng Russian Aerospace Forces. Nagsasagawa ito ng flight operation ng bilang mahulog mula rito ang karga-kargang mga bomba na tumama sa intersection ng isang kalsada sa Belgorod Region ng Russia.
Maliban sa mga nasirang building at sasakyan, dalawang indibiwal din ang napaulat na nasa kritikal ang kalagayan.
Sa ngayon, hindi pa tinutukoy ng Russia kung anong bomba ang nahulog mula sa nasabing warplane. Hindi rin tinutukoy pa ng Russian authorities kung ano ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng mga nasabing bomba.
Samantala, ang SU-34 warplanes ng Russia ay isa sa mga air assets ng nasabing bansa na pangunahin nitong ginagamit sa mga isinasagawang raids sa Ukrain, simula nang umpisahan nito ang paglusob noon pang pebrero ng nakaraang taon.