-- Advertisements --

Ibinunyag ng security service ng The Netherlands na isang deep-cover Russian spy ang nagtangkang pasukin ang International Criminal Court (ICC).

Si Viktor Muller Ferreira na nagpapakilalang isang Brazilain ay hindi pinayagang makapasok sa bansang The Netherlands.

Ayon sa mga otoridad na ang totoong pangalan nito ay si Sergey Vladimirovich Cherkasov na isang spy para sa GRU isang Russian military intelligence.

Ilang taon na nagtago sa pekeng pangalan ang suspek bago nag-apply ng internship sa ICC na matatagpuan sa The Hague.

Dagdag pa ng AIVD, ang Dutch security agency, na matagumpay itong makakuha ng posisyon at makapasok sa mga organisasyon.

Sakaling mapasok niiya ang ICC ay tiyak na magkakaroon ito ng malaking pinsala.

Inilabas din ng AIVD ang mga kakaibang dokumento ni Cherkasov noong 2010 kung saan isinalaysay nito ang paggamit niya ng mga pekeng pagkakakilanlan.

Magugunitang tinatarget ng Russia ang ICC matapos na maglunsad sila ng imbestigasyon ng war crimes ng lusubin nila ang Ukraine.