-- Advertisements --
Tinarget ng Russia ang airfield sa Ukraine.
Ayon kay Air Force spokesperson Yurii Ihnatn na gumamit umano ang Russia ng advanced Kinzhal missiles.
Isa sa apat na Russian missiles na tinatawag rin na KH-47 ay napabagsak din ng Ukraine.
Nagtamo ng mga pinsala ang Kolomyia airfiield kung saan isinasagawa ang pagsasanay ng mga Ukrainian pilots sa paggamit ng F-16 fighter jets.
Napatay din sa insidente ang isang bata kung saan marring kinondina ito ng Ukraine government.
Itinuturing ng Russia ang KH-47 bilang modernized missile arsenal na mayroong hypersonic speed na hirap na ma-intercept.