-- Advertisements --

Nagbanta ang Russia na sila ay gaganti sa naganap na missile attack sa border region ng Rostov.

Sa nasabing insidente ay nagresulta sa pagkakasugat ng ilang mga katao.

Sinabin ni foreign ministry spokesperson Maria Zakharova na ang missile strike sa Taganrog City ay malinaw na tinarget nila ang mga sibilyan at mga establishimento.

Nanawagan din ito sa mga international community na dapat kondinahin nila ang nasabing atake.

Magugunitang nasa 14 katao ang nasugatan matapos ang nasabing air strike kung saan ilang missiles din mula sa Ukraine an kanilang naharang.