-- Advertisements --
Pinayagan ng Russia ang hiling ng US Embassy na bisitahin si Wall Street Journalist Evan Gershkovich.
Sinabi ni Russian Deputy Foreign Minister Sergei Ryabkov na bukod sa nasabing request ay wala ng ibang hirit ang US Embassy.
Si Gershkovich ay nasa kustodiya ng Russia matapos na akusahan ng pang-iispiya.
Binisita naman ni US Ambassador Lynne Tracy si Gershkovich sa Lefortovo pre-trial detention center sa Moscow.
Ayon kay Tracy na nananatiling malakas ito at nakikibalita.
Nakatakdang magtungo naman ang mga magulang nito sa United Nations para iapela ang agarang pagpapalaya sa nasabing journalist.
Posibleng ikonsidera ng Moscow City Court ang apila laban sa desisyon na palawigin pa ang pagkakaaresto kay Gerskovich sa susunod na linggo.