-- Advertisements --

Pinaburan ng Russia ang bagong National Security Strategy ni US President Donald Trump.

Ayon sa Moscow, na ang 33- pahinang dokumento ay hindi banta sa Russia.

Kasama sa nakasulat ay ang paglabang sa impluwensya mula sa ibang bansa, pagtatapos ng malawakang migration at pagtanggi sa censorship ng European Union.

Bagamat maraming mga bansa sa Europa ang kontra dito ay ikinatuwa naman ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov ang nasabing bagong National Security Strategy dahil ito ay sumasang-ayon sa kanilang adhikain.

Nakasaad din sa dokumentoe na tila sinisi ang European Union dahil sa pagharang ng pagsusulong ng US ng ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine.