-- Advertisements --
Patuloy na kokontrahin ng Russia ang mga sanctions na ipinapataw sa kanila ng mga Western countries.
Sa kaniyang virtual na talumpati sa Shanghai Cooperation Organization, iginiit ni Russian President Vladimir Putin na ang nasabing mga sanctions ay lalong magpapalakas sa kanila.
Ito ang unang pagkakataon na dumalo sa international meeting si Putin matapos ang pag-aklas ng Wagner mercenary group noong nakaraang buwan.
Pinasalamatan nito ang mga bansang nananatiling kaalyado nila at naniniwalang ipinaglalaban lamang ng Russia ang soberanya ng kanilang bansa.