-- Advertisements --
Papayagan na ng Russia ang pagbisita ng mga inspectors ng International Atomic Energy Agency (IAEA) sa Zaporizhzhia power plant .
Ito ay matapos na mapapayag ni French President Emmanuel Macron si Russian President Vladimir Putin ng magkausap sila sa telepono.
Sa nasabing pag-uusap ay inakusahan pa rin ng Russia ang Ukraine dahil sa patuloy nang mga ito sa pagpapalipad ng rocket patungo sa nuclear power plant.
Magugunitang ilang mga bansa at maging si United Nations Secretary General Antonio Guterres, ang nanawagan na dapat bumisita ang atomic inspectors para matiyak na ligtas pa ang nuclear plant.
Ikinakabahala nila kasi na kapag nagkaroon ng pinsala ang nuclear power plant ay magiging mapanganib sa malaking populasyon ng mundo.