-- Advertisements --

Nangako ang Russia na gagamit lamang sila ng nuclear weapons bilang pagdepensa sa mga sasakop sa kanila.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs of the Russian Federation , na ang kanilang mga sundalo ay mahigpit nilang binilinan.

Alam din ng mga sundalo na walang mananalo sa sinumang bansa na gumagamit ng armas nuclear.

Gagamit lamang sila sakaling maipit sila at mapilitan dahil sa paglusob sa kanilang bansa.

Iginiit nila na susunod sila sa pinirmahang kasunduan noong Enero kama ang bansang China, France, United Kingdom at US na pag-iwas sa paggamit ng mga armas nuclear sa anumang giyera.