-- Advertisements --

Plano ng Russia na buksan ang humanitarian corridor para ilikas ang mga sibilyan na naipit sa mula sa chemical plant sa Severodonetsk.

Kasunod ito sa patuloy na labanan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Isa kasi ang lugar na target ng Russia na kubkubin kung saan kanilang sinira ang mga pangunahing tulay na nagdudugtong sa mga ilang malalaking lugar sa Ukraine.

Nasa mahigit 500 sibilyan ang nagtatago sa Azot chemical plant sa Severodonetsk.

Paliwanag ng Russian defense ministry na ang hakbang ay dahil sa prinsipyo ng humanity.