Naghigpit ang Russia sa mga nagsusulong ng mga “gay propaganda”.
Mula pa kasi noong 2013 ay mayroong ng batas ang Russia kung saan isang uri ng krimen ang magbibigay ng mga impormasyon na may kinalaman sa LGBT.
Ang mga nahatulan na ay mahaharap sa mas mataas na multa dahil sa promosyon ng tinatawag na “non traditional sexual relations”.
Nakakuha ng suporta mula sa Russian State ang nasabing pagpapalawig ng batas.
Nitong nakaraang linggo kasi ay hinikayat ng mga opisyal ng Russia ang lower house of parliament na isagawa ang extension bilang bahagi ng kanilang paglaban sa civilsational values.
Nakasaad sa proposal na ang mga impormasyon tungkol sa “non-tradional lifestyles” o “rejection of family values” ay maituturing na isang pronography.
Ang mga lalabag ay magmumulta ng hanggang $815 habang ang mga dayuhan na lalabag sa nasabing batas ay papalayasin sa kanilang bansa.