Binigyan ng ultimatum ng Russia partikular ni Foreign Minister Sergei Lavrov ang Ukraine na tanggapin ang demands ng Moscow kabilang ang pagsuko sa apat na rehiyong nito na inaangkin ng Moscow o kung hindi ay militar na aniya ng Russia ang gagawa ng aksiyon.
Ginawa ng Russian official ang pahayag isang araw matapos na sabihin ni Russian President Vladimir Putin na handa ang kaniyang bansa na pag-usapan ang pagtatapos ng giyera sa Ukraine,
Ayon pa kay Lavrov na batid ng katunggali nitong Ukraine ang kanilang proposal para sa demilitarization at denazification ng regime-controlled territories at pagwawaksi sa mga banta sa seguridad mula sa itinuturing na bagong teiritoryo ng Russia na Luhansk, Donetsk, Zaporizhzhia at Kherson.
Una ng idineklara ng Russia na kontrolado na nito ang nasabing apat na rehiyon matapos ang referendums noong Setyembre na mariin namang binatikos ng Ukraine at ng Western governments bilang paglabag sa international law.
Ilang linggo matapos ang illegal annexation sa kherson, nabawi ng Ukraine ang nasabing regional capital