-- Advertisements --
Ibinunyag ni United Kingdom Defense Secretary John Healey na bago pa man ang digmaan sa Gitnang Silangan, nagbabahagi na ang Russia ng intelligence sa Iran, base sa pinakabagong defense intelligence.
Maliban dito, nagbibigay din umano ng pagsasanay ang Russia sa Iran pagdating sa mga uri ng drones at electronic warfare.
Inihayag din ng UK defense chief na mayroong “axis of aggression” sa pagitan ng Russia at Iran.
Isiniwalat din niya na mayroong “hidden hand” si Russian President Vladimir Putin na nasa Iran.
Samantala, sinabi rin ni Healey na puspusan ang kanilang pagtratrabaho para protektahan ang kanilang mamamayan na nasa Middle East, gayundin ang kanilang military bases at mga kaalyado.
















