-- Advertisements --

kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DAF) na may nakatakdang bilateral meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Russian President Vladimir Putin. 

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Dominic Imperial na bahagi ito ng paggunita sa ika 50th anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia.

Ayon kay Imperial sa gagawing bilateral meeting inaasahang matatalakay ng dalawang lider ang  mga paraan para higit pang mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng enerhiya at food security.

Tututok din ang pulong nina PBBM at President Putin sa  ilang mahahalagang   regional at international issues tulad ng epekto sa seguridad sa  enerhiya at pagkain ng nagpapatuloy na krisis sa gitnang silangan.

Ayaw namang pangunahan ni Imperial kung makapagsasara ba ng kasunduan ang dalawang bansa hinggil sa usapin ng suplay ng langis, nuclear energy o renewable energy, kundi hintayin na lamang aniya kung ano ang magiging kalalabasan ng kanilang pag uusap. 

Magiging bahagi rin aniya ng bilateral meeting ang  kooperasyon sa pagitan ng pilpinas at russia sa larangan ng  turismo, edukasyon, kultura, science and technology at people to people exchanges.