-- Advertisements --

Ibinunyag ng US na nag-alok ang Russia ng pagkain sa North Korea kapalit ang mga armas.

Sinabi ni US national security spokesperson John Kirby, na ang anumang arms deal ng Russia at North Korea ay lalabag sa UN Security Council resolutions.

Una ng inakusahan kasi ng US ang North Korea na sila ang nagsu-suplay ng mga armas sa Russian Military.

Mariing pinabulaanan naman ng North Korea ang nasabing alegasyon na ito ng US.

Tiniyak ni KIrby na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon at ang nasabing kasunduan.