-- Advertisements --

Minaliit lamang ng Russia ang naging banta ni US President Donald Trump na dapat ay tumugon na ito sa ceasefire deal sa Ukraine.

Sa kaniyang pagbisita kasi sa Scotland sinabi ni Turmp na dapat hanggang 10 araw ay sumang-ayon na ang Russia sa isinusulong ng US na ceasefire.

Ang nasabing banta ay mas pinaikli mula sa dating 50 araw na ibinigay sa Russia at kung hindi sila papayag ay papatawan sila ng mabigat na taripa.

Giit naman ng Russia na hanggang hindi nasusunod ang kanilang kondisyon ay hindi sila tutugon sa nasabing deadline na binanggit ni Trump.

Magugunitang ilang ulit na nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang panig subalit nananatili parin itong bigo.