Tinawag ng Russia na isang mapangahas at hindi katanggap-tanggap ang desisyon ng International Criminal Court na maglabas ng arrest warrants kay Russian President Vladimir Putin at Russia’s children commissioner Maria Lvova-Belova.
Ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov na gaya aniya ng ibang mga estado ay hindi nila kinikilala ang huridiksyon ng nasabing korte.
Naging positibo pa ang tugon naman ni Lvova-Belova sa nasabing paglabas ng kaniyang arrest warrant at sinabi nito na tila nakita ng international community ang kaniyang trabaho na tulungan ang mga bata kung saan hindi nila iniiwan ang mga ito sa war zones.
Una ng tinawag naman ng United Nations Human Rights Watch na ang paglabas ng arrest warrants kay Putin ay isang “wake-up calls” sa marami lalo na sa mga umaabuso sa mga bata.
Tinawag naman ng ilang opisyal ng European Union na mahalaga ang nasabing desiyon na ito ng international justice.
Magugunitang inanunsiyo ni ICC President Piotr Hofmanski ang paglabas nila ng arrest warrant kay Putin at Lvova-Belova dahil sa napatunayan nila na kanilang nilalabas ang mga bata mula sa Ukraine at dinadala sa Russia na isang malinaw na ‘war crime”