-- Advertisements --
Itinigil na ng Russia ang pag-supply nila ng natural gas sa Finland.
Ito ang kinumpirma ng state-owned energy company na Gasum.
Sinasabing ang dahilan ay ang pagsali ng Finland sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ang hindi pagbayad nila ng roubles.
Tiniyak naman ng Gasum na walang epekto ito sa kanilang mga customers.
Kahit na patuloy na nagaganap ang giyera sa Ukraine ay hindi pa rin humihinto ang Russia sa pagsuplay ng gas sa ibang mga bansa sa Europa.