-- Advertisements --
Iniligay ni Russian President Vladimir Putin sa wanted list ang judge ng International Criminal Court na naglabas ng kaniyang warrant of arrest.
Magugunitang pinapaaresto ng ICC si Putin kasama ang Russian Children Ombudsman na si children’s ombudsman, Maria Lvova-Belova dahil sa war crime nila sa Ukraine.
Inilabas ang nasabing warrant of arrest noong Marso.
Ang nasabing pag-aresto ay nakabase sa criminal code ng Russain Federation.
Nagsagawa rin ng imbestigasyon ang Russia sa mga ICC prosecutors na sina Karim Asad Ahmad Khan, as well as judges Rosario Salvatore Aitala, Sergio Gerardo Ugalde Godinez, at Tomoko Akane.