-- Advertisements --
Nagpahayag ang Russia ng interest na matapos na ang giyera nila ng Ukraine.
Ito ang laman ng pakikipagpulong ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov kay Brazillian Foreign Minister Mauro Vieira.
Sa pagbisita ni Lavrov sa Brazil, pinasalamatan nito ang nasabing bansa dahil sa pagsusulong na tapusin na ang nasabing kaguluhan.
Iginiit naman ni Vieira na patuloy ang hiling ng kanilang bansa na dapat matapos na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.