-- Advertisements --

Inakusahan ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov ang Ukraine na gumamit ng missiles ang Ukraine para pabagsakin ang eroplano nila na may sakay na 74 katao kabilang na dito ang 65 Ukrainian prisoners of war..

Sinabi nito na nagpalipad ang Ukraine ng air- defense missile mula sa Kharkiv region at sa kasamaang palad ay tinamaan ang eroplano.

Nanawagan ito ng emergency meeting sa United Nations Security Council.

Itinanggi naman ng Ukraine na sila ang nasa likod ng pagpapabagsak ng eroplano ng Russia.

Sinabi ng Ukrainian army na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pag-target sa mga cargo planes ng Russia na dumadaan sa kanilang border na patungo sa Belgorod-Kharkiv regions.

Magugunitang bumagsak ang IL-76 plane na isang Soviet-era, long-range freighter plane na ginagamit ng Russia mula pa noong 1975.

Nangyari ang pagbagsak sa bayan ng Yablonovo ng Korocha District ,Belgorod Region ng Russia.

Kinumpirma ni Belgorod governor Vyacheslav Gladkov na lahat ng mga sakay ng eroplano ay patay na kabilang ang mga Ukrainian prisoners of war.