-- Advertisements --

Inaangkin ng Russia na nakubkob na nila ang residential areas sa Severodonetsk sa eastern Ukraine.

Subalit pinabulaanan ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky bagkus ay nagpapatuloy aniya ang heroic defense ng kanilang mga sundalo sa Donbas region laban sa pwersa ng Russia.

Iginiit din niya na hindi makapaniwala ang Russian occupiers sa lakas ng depensa ng kanilang militar.

Ang Severodonetsk ay ang strategic city ng Russia na kasalukuyang sentro ng opensiba ng Russia matapos ang pag-atras ng kanilang pwersa mula sa ilang lugar sa Ukraine.

Ang kabisera ng Severodonetsk kasama ang Lysychansk ang huling teritoryo na nasa ilalim ng kontrol ng Ukraine sa may Lugansk region at ang Donetsk sa sa Donbas region.

Nitong Martes, idineklara ng Russia na ganap na nilang napalaya ang residential areas sa naturang kabisera subalit nasa kontrol pa rin ng Ukrainian forces ang industrial zone at mga nakapalibot dito.