-- Advertisements --
Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng pag-redeploy ng mga overseas Filipino workers na nawalan ng kanilang trabaho.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, na ilan sa mga lugar na maari nilang paglagyan ng mga OFW ay sa China, Taiwan, Russia at Czech Republic.
Isa aniya itong bagong market na makakabuti sa mga OFW.
Magugunitang aabot sa mahigit 354,000 na mga OFW ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.