-- Advertisements --
Binatikos ng Russia ang ginawang pagbisita sa US ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Ayon kay Russian ambassador to US Anatoly Antonov na isang uri ng panghihikayat pa lalo para tumindi ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Lubha din aniyang nakakabahala ang pagbibigay ng US ng mga Patrito missiles.
Wala rin aniyang narinig ng panawagan ng kapayapaan sa ginawang pagbisita ng Ukrainian President sa US .
Magugunitang personal na nagkita si Zelensky at US President Joe Biden sa White House para lalong paigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa at ang pagbibigay ng US ng mga tulong militar.