Inaasahan ng Sotherby’s auction house na mabibili sa mataas na presyo ang sapatos na ginawa para kay dating US President Barack Obama.

Ang isang pares ng Nike Hyperdunks na sapatos ay nakatakdang isubasta sa halagang $25,000.

-- Advertisement --

Bukod sa mayroon itong presidential logo ay nakasulat din dito ang numero 44 bilang pagkilala kay Obama na siyang pang-44th President ng US.

Ayon sa kumpanya ng sapatos na dalawang pares lamang ang ginawa nila para kay Obama noong 2009 na ang isa ay hindi ginamit o isinuot ng dating pangulo.

Hindi naman binanggit ng Nike kung sino ang nagbigay sa kanila ng sapatos para isubasta.

Nauna ng naibenta na rin ang sapatos na bigay ni NBA star Stephen Curry kay Obama noong nagkampeon ang Golden State Warriors noong 2018.