Tuluyan ng itiinigil nina Prince Harry at Meghan Markle ang paggamit ng kanilang “SussexRoyal” brand.

Ayon sa tagapagsalita ng dalawa, napagkasunduan nila na hindi na gagamitin ang salitang “royal” sa kanila dahil sa batas ng kanilang gobyerno.

Ang nasabing desisyon ay kasunod ng pag-atras na nila sa kanilang royal duties at piniling mamuhay ng pribado.

Maging ang aplikasyon sa trademark ng Sussex Royal brand ay kanila na ring tinanggal.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inanusiyo ng dalawa na sila ay pormal na bababa bilang senior royal simula March 31 subalit ito ay pag-aaralang mabuti.