-- Advertisements --
Nagpaabot ng pasasalamat ang Royal Family sa mga sumama sa kanila sa paghatid sa huling hantungan ni Queen Elizabeth II.
Ilang oras kasi matapos ang state burial ng Monarch Queen ay nagsagawa naman ng private family state burial na dinaluhan lamang ng mga malalapit na kamag-anak ni Queen Elizabeth.
Sa social media account ng Royal Family ay nagpost sila ng larawan ni Queen Elizabeth II.
Dito ay pormal nilang kinumpirma na nailibing na ang bangkay ni Queen Elizabeth II katabi ang asawang si Duke of Edinburgh sa King George VI Memorial Chapel.
Katabi rin ni Queen Elizabeth ang kaniyang ama, ina at kapatid na babae.
Bago kasi ang ginawang paglilibing kinanta rin ang national anthem na “God Save the King”.