-- Advertisements --

Pinabagsak ng fighter jet ng Royal Air Force ang isang drone sa Syria.

Ayon Ministry of Defense na isa umanong banta ang nasbing drone sa mga coalition forces na lumalaban sa Islamic State group sa southern Syria.

Ito ang unang pagkakataon ng pabagsakin ng British military ang isang eroplano ng kalaban mula noong Falklands Wars 40 na taon na ang nakakalipas.

Hindi naman na nagbigay pa sila ng ibang detalye kung anong grupo ang may-ari ng nasabing drone.

Dalawang FGR4 jets kasi ang kasalukuyang nagsasagawa ng routine patrol sa kanilang base sa Cyprus ng itawag sa kanila na imbestigahan ang kahina-hinalang drone.

Ginamitan nila ito ng range air-to-air missile na tinatawag na Asraam.