-- Advertisements --

Magpapatupad ng rotation of troops ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, layon nito ay para maiwasan na masangkot sa partisan politics ang mga sundalo.

Sinabi ni Galvez na batid na ng mga sundalo na mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang hanay ang makisawsaw sa politika lalo na ang pagkiling sa kandidato.

“Matibay ang directive natin they should not make any move that would really tend to support any candidate, sa military we have established dostance with the different officials, even CMO officials may mga activities kami na prohibited during elections,” ani Galvez.

Mahigpit din ang bilin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na huwag makisawsaw sa politika, at manatiling tapat sa Konstitusyon at sa republika.

Sa panig ng Philippine National Police, nagpatupad na rin ng reshuffle sa mga opisyal na may mga kamag-anak na tatakbo sa 2019 midterm polls

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, nagsimula na ang unang batch ng reshuffle at may kasunod pa ito sa mga darating na araw.

“Bawal na bawal sa amin ang maging partisan, bawal na bawal sa uniformed service ang kumiling kanino mang partido, that’s why on our part we initiated a reshuffle sa mga police station up to the provincial level,” wika ni Albayalde.