-- Advertisements --

LA UNION – Ikinatuwa ng mga kasapi ng Rotary Club – San Fernando City, La Union Chapter ang kanilang pakikiisa sa Bombo Medico 2019 na ginaganap sa La Union National High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rotary Club – San Fernando City, La Union Chapter President Arch. Ronald Dy, sinabi nito na nagagalak ang kanilang grupo dahil sa dami ng mga kapuspalad na matutulungan ngayong araw sa pamamagitan ng Bombo Medico.

Ayon kay Dy, maliban sa kanilang mga miyembro ay kasama rin ang kanilang mga asawa at anak na nagsisilbi sa mga kababayan nangangailangan ng libreng check-up, gamot, at iba pang medical services.

Sa katunayan aniya, ay may mga parating pa na doctor mula sa kanilang samahan upang magbigay ng libreng serbisyo dahil sa dami ng nangangailangan.

Pinuri naman nito ang naging hakbang ng Bombo Radyo upang matulungan ang mga kapuspalad at aasahan rin na makikibahagi muli ang Rotary Club sa mga kahalintulad na programa ng network.