-- Advertisements --

Ipinangako ni House Speaker Martin Romualdez na aprubahan ang “Land Use Act” bago matapos ang taong 2022.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa harap ng National Real Estate Association Assembly sa Makati City.

Aniya, susuportahan din niya ang iba pang mga panukalang batas para sa pagpapaunlad ng sektor ng real estate.

Ayon kay Romualdez, parehas sila ni Pangulong Marcos ng nais na magkaroon ng unified framework na siyang mamamahala ng land resources sa bansa.

Paliwanag ng mambabatas, dapat maging maayos at ma-integrate ang mga conflicting na batas, polisiya at panuntunan kaugnay sa land use and planning.

Matatandaang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang pagkakasama ng comprehensive land use policy sa kanyang legislative agenda, partikular ng National Land Use Act.