-- Advertisements --

Patuloy pa ring mino-monitor ng Pagasa ang dalawang bagyo na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Partikular na ang bagyong Rolly na patungo na sa West Philippine Sea at bagyong Siony na nagbabanta naman sa dulong hilagang Luzon.

Huling namataan ang sentro ng tropical storm Rolly sa layong 85 km sa kanluran ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Dahil dito, nakataas pa rin ang signal number one sa mga sumusunod na lugar.

Northwestern portion ng Occidental Mindoro (Paluan, Mamburao, Abra de Ilog) including Lubang Island, the western portion of Batangas (Tingloy, Mabini, Bauan, San Luis, Taal, Agoncillo, San Nicolas, Santa Teresita, Talisay, Laurel, Lemery, Calaca, Balayan, Calatagan, Tuy, Lian, Nasugbu), extreme western portion ng Laguna (San Pedro City, Biñan City), Cavite, Metro Manila, the western portion of Bulacan (San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Bustos, Baliuag, Marilao, Meycauayan City, Obando, Bocaue, Bulacan, Balagtas, Guiguinto, Pulilan, Plaridel, Malolos City, Paombong, Hagonoy, Calumpit), western portion ng Pampanga (San Luis, Mexico, Masantol, Sasmuan, Floridablanca, Lubao, Porac, Guagua, Santa Rita, Bacolor, Angeles City, Santo Tomas, San Fernando City, San Simon, Macabebe, Minalin, Apalit), Bataan at southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City).

Habang ang tropical storm Siony naman ay namataan sa layong 850 km sa silangan ng Northern Luzon.

May lakas ito ng hanging 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.