IMAGE | Twitter @MickJagger

Nakatakdang operahan sa puso ang lead singer ng Rolling Stones na si Mick Jagger.

Kinumpirma ng kampo nito na kailangan ng palitan ang heart valve ng 75-anyos na singer.

Ito rin ang dahilan sa pagkansela ng banda ng kanilang North American concert tour.

Sa kaniyang Twitter account, humingi ito nang paumanhin sa mga fans dahil sa pagkaantala ng kaniyang concerts.

Kung maaalala nabuo ang banda noong taong 1962 kung saan nakatakda sana silang gumawa ng concert tours sa Canada at US mula Abril hanggang buwan ng Hunyo.