-- Advertisements --

Inilabas na ng bandang The Rolling Stones ang hindi pa naririnig na kantang “Scarlet”.

Kasama nila sa nasabing kanta ang gitarista ng Led Zeppelin na si Jimmy Page at Rick Gerch ng Blind Faith.

Ni-record ang nasabing kanta noong Oktubre 1974 na isang uri ng blues-rock.

Itinuturing ng vocalist ng banda na si Mick Jagger na ito ang unang pagkakataon na nakasama nila si Jimmy at kanilang gitaristang si Keith Richard.

Ayon naman kay Richards na hindi niya malilimutan ang nasabing kanta dahil sinundan nilang nagrecord ang Zeppelin at imbes na umalis si Page ay nakisali pa sa kanila.