-- Advertisements --

Naipanalo ng legendary band na Led Zeppelin ang kaso na nag-aakusa na ninakaw nila ang himig ng kanta nilang “Stairway to Heaven”.

Nagbunsod ang kaso matapos na ginaya nila ang kanilang kanta sa kantang “Taurus” na gawa ni Randy Wolfe ang gitarista ng bandang Spirit.

Isinulat ang kantang Taurus noong 1968 tatlong taon bago ang paglabas ng kantang “Stairway to Heaven”.

Nakakuha ng 9-2 o siyam na mga huwes ang sumang-ayon na walang nilabag na copyright mula sa bandang Spirit ang kantang “Stairway to Heaven”.

Sinabi ni Circuit judge Margaret McKeown na kanilang pinag-aralang mabuti ang kaso bago sila maglabas ng desisyon.