-- Advertisements --

Makakahinga ng bahagya ang mga motorista mula sa sunud-sunod na big-time oil price hike ngayong taon matapos mag-anunsiyo ng rollback ang mga kompaniya ng langis.

Sa magkakahiwalay na advosires, inanunsiyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ang rollback sa presyo ng gasolina ng P2.60 kada litro habang sa diesel may tapyas na P1.55 kada litro at sa kerosene naman ay P1.60 kada litro.

Magpapatupad din ang Cleanfuel ng parehong oil price rollback malibans a kerosene na wala sa nasabing kompaniya.

Magiging epektibo ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo dakong 6am bukas araw ng Martes, September 6 sa lahat ng kompaniya ng langis maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng price adjustments bandang 12:01 am ng parehong araw.

Nakatakdang mag-anunsiyo din ng kaparehong anunsiyo ang iba pang kompaniya ng langis.

Ang latest rollback sa presyo ng petroleum products ay kasunod ng dalawang sunud-sunod na linggo ng pagtaas ng oil price.

Sa latest data mila sa Department of Energy, nagpapakita na ang year to date total adjustment ay may net increase na P19.55 kada litro para sa gasolina, P37.80 kada litro para sa diesel, at P33.20 per liter para sa kerosene as of August 30, 2022.