-- Advertisements --

Hindi dapat sumama ang loob ng mga ahensya ng pamahalaan sa reports ng Commission on Audit (COA) na kumukuwestiyon sa kung paano nila ginagastos ang kanilang pondo, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Dapat malinaw aniya sa mga ahensya at kagawaran na ang mga proseso at regulasyon na ito ay nariyan para matiyak na walang korapsyon at pandarambong sa pamahalaan, at lahat ng mga ginagastos ay para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

Sinabi ni Robredo na binibigyan din naman ng pagkakataon ang mga ahensya ng pamahalaan na sumagot, makapagpaliwanag, at ayusin ang transparency sa kanilang mga sistema at prosesong sinsusnod.

Kaya kapag lumabas na aniya ang mga audit reports na ito makabubuti talagang sumagot ang mga ahensya at kagawaran na nasita ng COA para na rin sa taumbayan.

Samantala, hinimok naman ng bise presidente ang mga state auditors na ipagpatuloy ang kanilang magandang trabaho at pinaalalahanan din ang mga ito ng kahalagahan nang maayos na pagsunod sa kanilang mandato.

Kamakailan lang, naging emosyunal si Health Secretary Francisco Duque III sa isang pagdinig sa Kamara dahil sa pagwarak aniya ng COA sa imahe ng Department of Health dahil sa report ng ahensya na mayroong “deficinecies” sa COVID-19 pandemic funds ng kagawaran.