NAGA CITY – Bagama’t pitong taon na ang nakalipas, aminado si Vice President Leni Robredo na “mixed emotions” pa rin ito tuwing sasapit ang kaarawan ng yumaong asawa.

Ayon kay Robredo, marami na aniyang nangyaring sa pitong taon na wala ang asawa ngunit pakiramdam nito ay parang nandyan pa rin ito.

Aniya, dahil sa mga naiwang programa, mga values at paniniwala kung kaya hanggang sa ngayon, bagama’t wala na ang dating kalihim ngunit isang masayang lungsod pa rin ang Naga.

Nabatid na ngayong araw ang kaarawan ni ni dating Interior Sec. Jesse Robredo ngunit noong nakaraang linggo nang isabay na sa oathtaking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod ang pagdiriwang para rito.