-- Advertisements --

Hindi pinalampas ni Vice President Leni Robredo ang pagkakataon para isulong ang kanyang adbokasiya sa mga lokal na produkto, nang sagutin ang ilang kritiko ng public address niya nitong Lunes.

Kung maaalala, ilang kritiko ang pumuna sa itsura ng pangalawang pangulo nang maghatid ito ng Ulat sa Bayan.

“May mga pumuna ng hitsura natin sa public address nung Monday. Nakakalungkot man na yun yung pinansin at hindi yung laman ng sinabi, gusto kong patulan kasi opportunity to advocate for #supportlocal.”

Ayon kay Robredo, gawa ng isang local brand ang kanyang suot na blouse sa public address.

“Matagal na po kami ng mga anak ko na fans ng Bayo, wala pa ako sa politika. Pero lalo akong humanga sa kanila nung naka partner namin sila sa pagtahi ng PPEs dahil dun po namin sila nakilala ng lubos. Napakabait na employers at mapagkalinga sa kanilang mga mananahi.”

Dinepensahan naman ng pangalawang pangulo ang pagsusuot niya ng salamin at pagtali ng buhok, na hindi rin nakaligtas sa mata ng mga kritiko.

May mga pumuna ng hitsura natin sa public address nung Monday. Nakakalungkot man na yun yung pinansin at hindi yung…

Posted by Leni Gerona Robredo on Tuesday, August 25, 2020

“Yung pagtali ng buhok at pagsuot ng salamin, mula nung nag umpisa ang pandemic, nakatali na ang buhok ko. Mahaba na kasi. Saka mas madali mag face mask pag nakatali ang buhok.”

“Yung salamin, dati naman po akong nagsasalamin. Matagal na. Hindi ko lang tinatanggal ngayon kasi bahagi siya ng proteksiyon laban sa virus. Nakakatawa man ang post na to, pagkakataon pa din kumampanya for us to support local.”

Isa ang dating aktres at supporter ng administrasyon na si Vivian Velez sa mga kritikong pumuna sa public address ni Robredo.