-- Advertisements --

Sang-ayon daw ang kampo ni Vice Pres. Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa suspensyon ng klase hanggang walang nadidiskubreng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa tagapagsalita ni VP Leni na si Atty. Barry Gutierrez, tinatanaw ng kanilang panig ang pag-aalala ng presidente sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.

“We appreciate the President’s concern for the health and safety of our children.”

Umaasa ang kampo ng bise presidente na may mga angkop din na hakbang na ilalatag ang pamahalaan, para kahit nasa kanilang mga tahanan ay may access pa rin edukasyon ang mga kabataan.

“We hope, however, that if the schools are to remain closed, sufficient steps will be taken to ensure that every Filipino student will still get the education he or she is entitled to.”

“Inclusive and effective systems for at home schooling must be put in place.”

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na ligtas ang pagbabalik eskwela sa Agosto basta’t maipapatupad ang minimum health standard protocols.