Reading Time: 1 minute

Kasalukuyang bumibisita si Vice Pres. Leni Robredo sa mga residente at biktima ng magkakasunod na lindol sa Itbayat, Batanes.

Ayon sa Office of the Vice President, nagtungo ngayon sa apektadong komunidad ang pangalawang pangulo para inspeksyunin ang danyos na iniwan ng lindol.

Bukod dito, magbibigay din daw ng relief goods si Robredo sa mga biktima.

“Vice President Leni Robredo is now in Itbayat, Batanes to personally inspect the damage of the earthquake and to distribute relief goods to the affected community.”

Kung maaalala, nagtungo rin ang Pangulong Duterte noong Linggo at nakipagpulong sa mga lokal na opisyal kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa huling datos ng NDRRMC, nasa 2,000 residente pa ang nanunuluyan sa plaza ng bayan bilang evacuation center.