Robert Pattinson
Robert Pattinson/ IG post

Napili bilang bagong gaganap na Batman si Robert Pattinson.

Kinumpirma nito ng Warner Bros. na nanguna ang “Twilight” star sa mga pinagpipilian na gaganap bilang bagong Batman.

Ilan sa kasi sa mga pinagpipilian ay ang actor na si Nicolas Hoult.

Agad nilang sisimulan ang paggawa ng pelikula na target ipalabas ang pelikula sa 2021.

Papalitan ng 33-anyos na actor si Ben Affleck na nagretiro sa pagganap bilang si Bruce Wayne sa pinakahuling Batman movie noong 2017.