Nagpasya si PBA player Robert Bolick na umalis na sa Fukushima Firebonds sa Japan B. League Division 2.
Inanunsiyo ng Firebonds ang pagtanggal na sa kontrata ni Bolick dahil na rin sa kaniyang kahilingan.
Sinabi ni Fukushima president and CEO Hajime Nishida na si Bolick ay siyang unang manlalaro na nag-anunsiyo ng pagpirma ngayong season.
Nagkaroon ng ilang pag-uusap at kanilang nirespeto umano ang desisyon na ito ni Bolick na umalis sa nasabing koponan.
Naglaro ng isang season ang 28-anyos na si Bolick sa nasabing koponan.
Paliwanag naman nito na hirap siyang mapalayo sa piling ng asawa lalo na ngayon aniya na ito ay nagdadalang-tao.
Mayroong average ito na 10 points, limang rebounds at dalawang assists sa huling laro ng koponan sa Yamagata noong Oktubre 7.