-- Advertisements --

Sasailalim sa ilang upgrade ang Rizal Memorial Sports Complex para sa nakatakdang Women’s Tennis Association (WTA) 125 Women’s Open.

Ang Pilipinas ang nakatakdang mag-host sa naturang turneyo na gaganapin ngayong Enero 2026.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio, hindi lamang ang tennis center ang pokus ng mga upgrade kungdi sa buong Rizal Sports Complex.

Kabilang dito ang rehabilitasyon sa mga kalsada at gawing asphalt roads, paglalagay ng solar lights, atbpang adjustment.

Sa tennis center na nasa loob ng complex, magdaragdag ang PSC ng mas maraming upuan upang mapataas ang seeting capacity at makaya nitong i-cater ang hanggang dalawang libong manunuod.

Ayon kay Gregorio, kailangang maabot ng Pilipinas ang international standards, lalo at maraming tennis players ang inaasahang maglalaro sa naturang turneyo. Kailangan din aniyang maipakita sa buong mundo na maayos ang hosting at lahat ng pasilidad sa tennis complex na maaaring gamitin ng world-class tennis players.

Aniya, sa pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong lingo ay tiyak na matatapos na ang lahat ng nakatakdang upgrades.

Nakatakda mula Enero-26 hanggang Enero-31 ang naturang turneyo.