-- Advertisements --
RITM file
IMAGE | The Research Institute for Tropical Medicine (RITM)/file

MUNTINLUPA CITY – Nagsimula na ring mag-rolyo ng AstraZeneca vaccines ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Isa ang RITM sa mga naging pinaka-abala noong nag-uumpisa pa lang ang COVID-19 pandemic, dahil ito ang pinaka-unang laboratoryong nagsagawa ng RT-PCR swab test.

Nakatanggap ng 100 vial ng AstraZeneca vaccines ang institusyon nitong Lunes. Sapat daw ito para sa 1,000 personnel ng RITM.

Nagkaroon ng ceremonial rollout kahapon, kung saan unang tinurukan ng British-Swedish vaccine si RITM director Dr. Celia Carlos.

“As the leader of this agency, I need to show a good example. It is my hope that I may influence our employees who are still doubtful about getting vaccinated,” ani Carlos.

“There have been many studies on the value of these vaccines and on how they prevent severe disease and deaths,” dagdag ng opisyal.

Ilan pa sa unang nabakunahan ay sina: Dr. Mari Rose delos Reyes, head ng hospital operations; at RITM Nursing Department head Loida Oliquino.

Ngayong araw ng Martes sisimulan ng RITM ang malawakang pagtuturok ng bakuna ng AstraZeneca sa loob ng institusyon.

Batay sa tala ng institusyon, 300 personnel na ang unang naturukan ng Chinese-donated na CoronaVac vaccine ng Sinovac noong nakaraang linggo.

Mayroon ding 30 na nabakunahan ng Chinese-vaccine kahapon.

“RITM targets to persuade, reassure, and vaccinate all of its employees as it works towards doing its share in helping the Philippines achieve herd immunity,” nakasaad sa press release.