-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) na nagkaroon ng riot kanina na kinasangkutan ng ilang mga preso o mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Base sa inisyal na ulat ay naganap ang riot kaninang pasado alas-9:00 sa maximum security compound.

Bukod sa kumpirmasyon na nagkaroon nga ng kaguluhan ay wala pang ibang detalyeng ibinigay ang pamunuan ng NBP kung may mga sugatan o namatay na mga preso sa nasabing riot dahil nagpaparuloy pa anya hanggang ngayon ang imbestigasyon at headcount.

Asahan naman anya na mamaya ay magbibigay sila ng pahayag o resulta ng kanilang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring kaguluhan.

Magugunitang nito lamang nagdaang huling linggo nang Oktubre ay nagkaroon din ng riot sa NBP na ikinamatay ng siyam na mga preso at nasugatan ang pito.