NAGA CITY – Nasa total lockdown na ang Rinconada Area para matiyak na walang makakapasok na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Ferdinand Brazil ng Barangay Sto. Domingo, Bula, Camarines Sur, sinabi nitong ang kanilang lugar ang entry at exit point ng mga papasok sa naturang bayan kaya mahigpit ang kanilang ipinapatupad na seguridad.

Ayon kay Brazil, hindi nila basta pinapayagang makapasok sa lugar ang sinuman maliban na lamang kung may mahalagang pakay sa Bula lalo na ang mga may dalang pagkain at tubig.

Aniya, may mga ipinamigay na rin silang relief goods para sa mga residente ng kanilang lugar.

Kasama sa mga bayan ng Rinconada ang Bula, Baao, Nabua, Buhi, Balatan at Iriga City.