Tiniyak ng singer na si Rihanna na magiging sulit ang paghihintay ng kaniyang mga fans sa bago nitong album.

Huling naglabas kasi ng album ay noong 2016 ng may titulong “Anti” at mula noon ay hindi na ito naglabas ng mga kanta.

Naging abala kasi ito sa inilunsad niyang fashion house at mga cosmetics, lingerie at skin care products.

Dagdag pa ng 32-anyos na Barbadian artist na ginagawa na niya ang kaniyang album at sinisiguro nitong magiging sulit ang paghihitay ng karamihang fans niya.