Rihanna
Rihanna/ IG post

Itinanghal bilang world’s richest female musician ng Forbes magazine si Rihanna.

Base sa datos ng Forbes, mayroong kabuuang yaman na $600 million.

Nahigitan ng 31-anyos na singer sina Madonna na mayroong $570 million na nasa pangalawang puwesto habang nasa pangatlong puwesto si Celine Dion na mayroong $450 million na yaman at $400 million naman kay Beyonce.

Si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty sa tunay na buhay ay kasalukuyang mayroong make-up company ganoon din ang pagpasok niya bilang lingerie designer.

Mula noong ito ay sumikat sa taong 2003 ay nagkainteres ito sa enterprenurial gaya ng paglunsad niya ng make-up brand na Fenty Beauty.