-- Advertisements --
bigas

Sumipa sa 17.9% ang inflation rate para sa bigas noong Setyembre mula sa 8.7% noong Agosto.

Ito na ang pinakamataas sa nakalipas na14 na taon o simula noong Marso 2009 na nakapagtala ng rice inflation na 22.9%.

Ito ay sa kabila pa ng ipinatupad na price cap o limitasyon sa presyo sa malimit bilhin ng mga kosyumer na regular at well-milled rice sa naturang period base sa inilabas na data ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang bigas din ang pangunahing dahilan ng pagsipa ng food inflation noong Setyembre na nasa 10% mula sa 8.2% sa nakalipas na buwan.